Ni Joy Quijano
Paalala sa mga lulong sa paninigarilyo dahil ayon sa World Health Organization aabot na ng isang bilyong tao ang naninigarilyo sa buong mundo. Kamakailan lang napag-alaman ng mga grupo ng mananaliksik mula sa King’s College London ang mga smoker ay malaki ang posibilidad na magkaroon ng sakit sa pag-iisip o mental disorder kagaya ng schizophrenia.
Ang schizophrenia ay may kaugnayan sa abnormal na pakikitungo sa ibang tao at nahihirapang madetermina kung ano ang reyalidad sa kathang-isip. Ayon pa sa naturang pag-aaral 57% ng mga may psychosis ay naninigarilyo. Doble ang posibilidad ng mga smoker na magkaroon ng sakit sa pag-iisip kumpara sa mga hindi naninigarilyo. Binabago rin ng mga kemikal na nasa sigarilyo ang takbo ng isip ng mga smoker.
Pinagmulan ng imahe: http://www.security-faqs.com/