kinitil ng isang lalaki ang kanyang sariling buhay noong nakaraang araw bandang alas 6:00 ng umaga sa Luna -Zamora St. Brgy Zone 03, Digos City.

Sa inisyal na imbestigasyong ginawa ng mga kapulisan,natuklasan na ang biktima ay si Mateo Banzuela, 54 anyos at isang distributor ng Alkaline Mineral Water na residente ng naturang lugar.

Ang bangkay ng biktima ay natagpuan ng kanyang anak na lalaki sa puno ng mangga na nakabitin ang katawan nito gamit ang isang lubid.

Ang maaari umanong motibo sa krimen ay ang pagkakaroon ng matinding depresyon ng biktima.