Hanggang ngayon, di pa rin makapaniwala ang bagong Miss Philippines-Earth na si Karen Ibasco na siya ang magiging kinatawan ng bansa sa 2017 Miss Earth pageant.

Ayon sa Manila beauty, walang katumbas na salita maliban sa pasasalamat sa mga sumuporta sa kanya ang pagkakasungkit sa Miss Philippines-Earth crown.

Kasabay nito, ibibigay niya ang 110 percent best sa pakikipagtalbugan sa international stage para maipagpatuloy ang legacy ng tunay na Miss Earth.

Sa darating na buwan ng Nobyembre ang coronation ng Miss Earth 2017 kung saan ang Pilipinas ang host country,ngayon pa lamang, excited na ang beuty queen na isigaw ang kanyang pangalan  dala ang bansang Pilipinas.