Patay ang dalawang suspetsyadong ISIS terror group members sa isinagawang search warrant ang mga awtoridad ukol sa paglabag sa RA 10591 o the Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regulatory nito lang Linggo, October 14 sa Brgy. Aplaya, at Brgy Lapolabao,Hagonoy, Davao del Sur bandang alas 11:20 ng gabi.

Ang mga nasawing suspek ay sila Norton Sinapan,umanoĆ½ lider ng Dawlah Islamiya, Digos cell, residente ng Barangay Aplaya, at Norhan Sinapan alyas Kiko, na residente naman ng Barangay Lapulabao.

Ayon kay Davao del Sur PNP director Police Senior Supt. Ferlu Silvio, nagkaroon umano ng bakbakan sa pagitan ng mga suspek at mga papuntang law enforcers matapos nagsimulang magpaputok ang mga suspek.

Dinala pa ang dalawa sa Davao del Sur Provincial Hospital subalit idineklara ng dead on arrival ang isa habang inirefer naman sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) ngunit kalaunan ay nawalan na rin ito ng buhay sa may Sta. Cruz national highway.

Ayon naman kay Davao del Sur PNP spokesperson Police Senior Inspector Grace Jamila de Castro, ang dalwa umano ay magkapatid na kapwa myembro ng organized crime group (OCG) na kakampi umano ng ISIS terror group.

Ibinunyag namna ni CIDG provincial team leader Police Chief Inspector Francis Sonza, plano umano ng grupo ng mga ito na magsagawa ng bombing activities sa lungsod ng Davao at General Santos.

Narekober rin ng kapulisan sa tinutuluyan ni Norhan sa Purok 6, Barangay Lapulabao ang isang .45 caliber pistol M1911 A1 na may (1) piece magazine atsix (6) live ammunition; 2 fragmentation grenades, isang improvised explosive device (EID); at dalawang ISIS flag.

Ang raiding team ay binubuo ng Crime Investigation and Detection Group, PIB DSPPO, Hagonoy police, Davao del Sur Special Weapons and Tactics (SWAT), Davao Sur Explosive and Ordnance DetectionTeam (EODT) at Regional Intelligence Unit (RIU-11).