Arestado kahapon sa parehong munisipyo ng Matanao ang isang babae at isang lalake matapos silang magkaroon ng warrant of arrest.Nadakip dako ng alas 7:00 ng umag kahapon si Juralex Sison  Vidad, 44 anyos, may asawa, farmer at residente ng Purok 01, Brgy.Buri, Matanao Davao del Sur matapos mapatunayan na siya’y nagkasala ng Violence of Sec. 5 (h) (4) of RA. 9262 o Anti- Violence Women and their Children Act of 2004 (VAWC)  na siyang  maaaring makapagpyansa ng 24,000 pesos para sa kanyang temporaryong kalayaan.

Samantala, nahulin rin dako ng alas 10:30 ng umaga kahapon si Norma Baman Dayo, 43 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Site ng La Suerte, Matanao Davao del Sur. Ito’y matapos siyang magkasala ng Violence of Sec 10 (a) of RA 7610 o act providing for stronger deterence and special protection against child abuse, exploitation and discrimination at maaari rin siyang makapagpyansa ng 80,000 pesos para sa kanyang temporaryong kalayaan.

Ang pag- aresto sa 2 suspek ay pinanguluhan nina PSI Renato Uy- Oic at SPO1  Orlando Fuentes na parehong inaprubahan ni Hon. Judge Carmelita Sarno- Davin.Sa ngayon, ang 2 salarin ay nasa kustodiya na ng Matanao Municipal Police Station.

 

 

BY: CHARLYN S. TORALBA