Makalipas ang mahigit apat na taon ay nasa kamay na ng kapulisan ang suspek na si Gregorio Moreno Barrientos alyas Yoyong, 52 anyos, Chainsaw Operator, at residente sa Sitio Langan, Brgy Coronon, Sta Cruz, Davao Del Sur. Lunes,ika-8 ng Oktubre ng naaresto ang suspek sa isinagawang search warrant ng kapulisan na pinanguluhan ni Chief Intel SPO2 Arnold Badua sa Poblacion, Brgy. Zone 3, Sta Cruz, DDS bandang alas 9 ng umaga sa bisa pa rin ng warrant of arrest sa kasong homicide na may criminal case # na 476(2014).

Samantala, arestado rin ang isang Milagrosa Comflor Baquiran,55, may asawa at residente ng Prk 7, Barangay Piape, Padada, Davao Del Sur. Ito’y alinsunod pa rin sa ipinapatupad na anti-illegal numbers game ng gobyerno. Nahuli kasi sa akto ng mga awtoridad mula PADADA MPS si Baquiran na nagpapataya ng last two, last three,at 4d mula pa sa PCSO Lotto Draw bandang alas 4 ng hapon noong Lunes.

Sa iba pang balita, abiso naman ng kapulisan sa publiko na maging mapagmatyag sa inyong mga kagamitan dahil nito lang ring Lunes, isang motorsiklo na RAIDER 150 na kulay itim at may PLATE NO. na LD97205 ang nawawala at pinaghihinalaang ninakaw. Base sa impormasyon ng kapulisan, isang JERSON ALIMASAC PAJO, 27 YEARS OLD may-asawa at RES ng PUROK MADASIGON, ROSAL ST POBLACION UNO, BANSALAN, DVO SUR ang nagdrive ng nasabing motorsiklo. Ayon naman sa isang Angelito Gucor, na napag-alamang sa kanya nakarehistro ang nawawalang motor tinangay umano ito ng isang Alyas Mark bandang alas 6:30 ng gabi sa BRGY MABUHAY, BANSALAN, DAVAO DEL Sur. Patuloy namang pinag-iimbestigahan ng kapulisan sa ngayong ang naturang kaso.

By:RedChel Montes