1asap

Marami ang gustong magbago at gustong may mabago sa kanilang buhay ngayong papasok na ang 2017. Bagong taon, bagong buhay ang nakasanayang kasabihan. Bilang panimula, mahalaga pa rin ang pagpapahalaga sa sarili, pamilya at kalusugan. Iyan ang mga bagay na dapat isaalang-alang sa bawat taon ng buhay. Ngunit madalas ring nalilimutan, nakakaligtaan at nababalewala ang New Year’s resolution. Minsan mabuti lang daw ito sa umpisa ngunit kalaunan ay wala ring nababago sa buhay.

Kasabay ng bagong taon, ang bagong pag-asa na mamuhay ng mas masagana, masaya at malusog. Kaya handog ng Dok Alternatibo sa loob ng isang dekada ang tunay na kayamanan at tunay na pagbabago. Hindi lamang nangunguna ang mga produkto ng Dok Alternatibo dahil ang adbokasiya nitong makatulong sa mga nangangailangan at patuloy  pa ring lumalago at lumalaganap sa buong bansa. Sa pamamagitan ng 1ASAPPP Movement (Isang Adbokasiya sa Alternatibong Panggagamot, Pagsasaka at Pangkabuhayan) libo-libong Filipino ang natulungan, nabiyayaan ang kabuhayan, at nabigyan ng tunay na kagalingan. Idagdag pa ang mga iskolar ng DARADFI Prime School na hindi lang napag-aral, nabigyan pa ng tiyak na kinabukasan.

Patuloy pa rin ang pagmamayagpag ng Dok Alternatibo Rejuvenation Treatment Program, ang nag-iisa sa Pilipinas na pamamaraan upang gumaling ang karamdamang pisikal, emosyonal, ispiritwal at menta. Tinawag rin itong holistic healing. Bukambibig na ng maraming health advocates ang Cleansing Formula, cleansing and detoxification process. Habang nakakalugod na malamang nagkakaubusan na ng Mix 10 Herbal Coffee sa merkado at Dok Alternatibo Stores. Ang mga produkto, serbisyo at inobasyon ng Dok Alternatibo sa loob ng isang dekada ay patunay lamang na tumatayog ang lipad, lumalawak ang abot ng ating adhikain at layunin.

Kaya ngayong 2017, maging kabahagi ng pinaka-nangungunang kapanalig sa larangan ng kalusugan sa natural na paraan –Dok Alternatibo.