hyper

Kinumpirma ng New York University sa kanilang pag-aaral na Pilipinas ay isa sa mga bansang may pinakamaraming kaso ng high blood pressure. Sa katunayan, tatlo sa limang Pinoy ay “high blood”. Bukod sa mainit na klima, malaking bagay rin na ang pagkain ng mga Filipino ay katulad ng mga Amerikano, nahihilig na tayo sa karne ng baboy, hotdog, at fast food. Ayon  sa pananaliksik, ang sobrang maaalat na pagkain ay sanhi ng pagtaas ng blood pressure lalo na ang monosodium glutamate (MSG) na nakukuha mula sa junk food at inihahalo bilang pampalasa.

Ngunit nakakalungkot isipin na kahit pa ginawang libre ng pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Health ang synthetic drugs laban sa hypertension, hindi pa rin nababawasan ang bilang ng mga nagkakasakit nito. Malinaw pa sa sikat ng araw na hindi maintenance ang sagot sa sakit na ito kundi ang pangmatagalang solusyon at tunay na lunas. Batay na rin sa rekomendasyon ng World Health Organization hypertension at diabetes ang top killers sa mga Pinoy kaya naman noong Enero ngayong taon ay kasali rin ang synthetic drug maintenance laban sa diabetes ang inilibre ng DOH at makukuha mula sa Health Centers.

  • For hypertension: Losartan, Amlodipine, Metoprolol
  • For diabetes: Metformin

33% ng namamatay sa Pilipinas ay sanhi ng stroke ayon pa rin sa WHO. Bumaba ba ang bilang ng mga nagkakasakit ng hypertension? Hindi. Marami ba ang gumaling? Wala. Sino ang nakinabang? Pharmaceutical companies! Kaya naman idinidiin ni Dr. Matthias Rath na ang mga pharmaceutical companies ang nakikinabang sa pagkakaroon ng sakit ng publiko. Bukod sa walang lunas at kagalingan, mas napeperahan nila ang gobyerno at publiko.

Sa panig ng natural health advocates, nakasanayan na madalas na walang suporta ang alternative medicine. Kahit pa libong taon nang alam na ang herbal industry ay malaking tulong sa kagalingan ng mga sakit, natatalo pa rin ito ng patalastas ng drug companies. Tanging puso at taimtim na paniniwala lamang ang susi upang masugpo ang mapanlinlang na patalastas hinggil sa kagalingan.