PHILIPPINES-HOSTAGE-6

Pinapairal na ng Commission on Elections (Comelec) ang election gun ban sa buong bansa.

Ganap na alas dose ng hating-gabi ng Setyembre 28 ang  opisyal na pagsisimula ng kampanya sa 45 day gun ban para sa kaayusan ng barangay eleksyon sa Oktubre.

Nagtalaga nang mga checkpoint ang Comelec sa lahat ng sulok ng bansa upang mangalaga sa seguridad at kapayapaan.

 Sinabi naman ni PNP Chief Director Alan Purisima naka-alerto ang buong pwersa ng pulisya sa buong bansa para seguraduhing ligtas ang mga mamamayan at maiwasang magkaroon ng tensyon sa pagpapatupad ng barangay election

Ipinapatupad din ang Memorandum Circular na SAFE 2013-Alpha (Secure and Fair Elections-A), sa pakikipag-ugnayan ng Armed Forces of the Philippines sa ilalim ng Joint Peace and Security Coordinating Center

Ang “SAFE 2013-Alpha ay ipinatupad ng ibat-ibang unit ng PNP bilang operational guidelines upang malabanan ang insuhensiya ng mga maka-kaliwang grupo, na diumano balak na naming mangulekta ng Permit to Campaign Fee mula sa mga kandidato.

Inatasan ni Purisima si Deputy Director General Felipe Rojas bilang commander ng SAFE 2013-Alpha.

Samatanlang ang Comelec naman ay naglaan ng tatlong araw mula October 11  hanggang 17 upang makapag hain ng Certificates of Candidacy (COC) ang mga kakandidato.