Ang mangosteen ay isang tradisyual na gamot sa iba’t ibang bansa ng asya. Ang mga benepisyo sa kalusugan ng mangosteen ay kilala na noon paman at napatunayan na ang mga benepisyong ito ay hindi lamang gawa-gawa. Ang iba’t ibang bahagi ng mangosteen ay ginagamit sa paggamot ng iba’t ibang sakit at karamdaman. Narito ang ilan sa mga benepisyo sa kalusugan na makukuha mo sa mangosteen.

1. ANTI-OXIDANT
Ang Scientific Research ay nagsiwalat na ang mangosteen ay naglalaman ng isang uri ng natural na polyphenol compound na kilala bilang xanthones. Mayroong dalawang uri ng xanthones sa prutas na ito – alpha mangosteen at gamma magosteen. Ang mga xanthones at ang kanilang mga derivatives ay naipakita na may ilang mga benepisyo, kabilang na ang anti-oxidant.

2. REDUCES CHOLESTEROL
Ang pagkain ng mangosteen ay nakakatulong sa pagbawas ng antas ng kolesterol sa katawan ng tao. Tinutulungan din nito na kontrolin ang antas ng triglycerides (mga uri ng taba na matatagpuan sa iyong dugo) upang pangalagaan wastong pagtibok ng puso ng tao.

3. ANTI-INFLAMMATORY
Ang mangosteen ay naglalaman ng mga anti-inflammatory properties na kung saan ay lubhang kapaki-pakinabang para sa mga taong nagdurusa sa sakit ng sciatica. Ang paggamit ng mangosteen dalawa hanggang tatlong beses sa isang araw ay makakatulong upang mapawi ang sakit sa pamamagitan ng mga anti-inflammatory properties.

4. PREVENT CANCER
Ang mga antioxidant na natagpuan sa mangosteen ay tumutulong upang maiwasan ang kanser at iba pang mga cardiovascular disease. Ito ay isang makapangyarihan at epektibong antioxidant na pinoprotektahan ang ating katawan mula sa mga libreng radikal na nagdudulot ng oxidative stress, o “cellular rust” na maaaring humantong sa malubhang kundisyon.

5. IMPROVES BLOODFLOW
Ang mangosteen ay nagpapabuti sa daloy ng dugo sa pamamagitan ng pagdudulot ng pagluwag ng mga daluyan ng dugo na nakakatulong upang ma protektahan tayo laban sa ilang sakit tulad ng mataas na kolesterol , kasikipan ng puso at sakit ng dibdib.

6. NORMALIZES BLOOD PRESSURE
Ang mangosteen ay naglalaman din ng mga mineral tulad ng copper, manganese, at magnesium. Pati ang potassium ay nagbibigay din ng proteksyon laban sa mga stroke at coronary heart diseases dahil ito ay isang mahalagang bahagi sa ating cell at katawan at kinokontrol nito ang rate ng ating puso at dugo. Ang mangosteen ay isa sa sampung sangkap ng MIX10 herbal coffee na mabibili mo sa lahat ng branches nationwide.

7. ANTI-AGING
Ang mangosteen ay puno ng mga anti-oxidant tulad ng catechin (ang antioxidant na matatagpuan sa green tea). Nakakatulong ito sa pakikipaglaban sa mga free radicals, kaya simulan sa ang paggamit ng mangosteen upang magmukhang mas bata magpakailanman.

Smart 09292328193 | Globe 09675831820 dokedcoaching@gmail.com