unnamed (1)

Tuwing Mayo ipinagdiriwang ang isang mahalagang okasyon at pagbibigay-pugay sa mga dakilang ina na nagsakripisyo ng malaki para sa mga anak. Isang natatangi at kahanga-hanga ang kwento ni  Marites Archeca, isang stage 3 breast cancer patient mula sa Rizal. Bilang ilaw ng tahanan, masakit at mahirap para kay Marites  na ma-diagnose ng cancer sa kadahilanang maliliit pa ang kanyang mga anak. Hindi niya halos matanggap ang kalagayan ng kanyang kalusugan at kung saan-saan na sila umabot upang humingi ng tulong sa pagpapagamot sa kanyang sakit. Libu-libong piso na rin ang kanilang ginastos sa pag-asang makakasumpong siya ng kagalingan sa pamamagitan ng kombensyonal na medisina ngunit tila ba wala na talagang pag-asa.

Kaya naman nang sinabihan siya ng kanyang mga magulang mula sa Palawan tungkol sa alternatibong panggagamot sa Dok Alternatibo hindi siya nagdalawang-isip na subukan ito. Nitong Mayo, kabilang si Marites sa pang-dalawampo’t limang batch ng Rejuvenation Treatment Program kung saan masusumpungan ang pangkalahatang kagalingan, mula sa ispiritwal, emosyonal, mental at pisikal.

Ayon sa kanya “Nagpapasalamat ako sa  programang ito ng Dok Alternatibo dahil alam ko na talagang gagaling ako. Gusto ko talagang gumaling para sa mga anak ko, tatlong taong gulang pa lamang ang aking panganay at  kapag naiisip ko noon na may sakit ako at maliliit pa ang aking mga anak, napapaiyak talaga ako ngunit ngayon, dahil sa Rejuvenation naniniwala na ako na wala namang pagsubok na ibibigay ng Diyos na hindi natin makakaya.”