Inaasahan pa rin ni Calvin Abueva na makasama sa line-up ng Gilas Pilipinas para sa second round ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Ayon nito na patuloy ang kaniyang pagsama sa ensayo ng national team.

Ayon naman kay Gilas coach Chot Reyes, na kinokonsidera nya lahat at hindi pa umano pinal ang listahan na sasabak sa laban nila sa Australia sa Pebrero 22 at sa Japan sa 25 na gaganapin dito sa Pilipinas.
Nauna ng tinanggal si Abueva maging si Raymond Almazan matapos na bigo silang sumama sa tatlong linggong magkakasunod na ensayo ng Gilas.