Ipinakita na sa publiko ang Activated Charcoal Swimming Pool sa loob ng Dok A Hot&Cold Tech Resort. Marami ang namangha, at marami rin ang nagtatanong kung bakit napili ni Dok Ed Delibo na gawing kakaiba ang kanyang itinayong resort.

Ayon kay Dok Ed, kaliwa’t-kanang benepisyo ang makukuha mula rito. At dahil hindi nawawala sa trend ang swimming pool adventures, kaya ginawa niyang mas relaxing at mas nakaka-engganyo ang paglangoy at paglublob sa pool dahil sa cleansing properties ng activated charcoal.

Ang Activated Charcoal ay isang pinong black powder, walang amoy, wala ring lasa, non-toxic, at may milyun-milyong pores na nakakapag-trap ng toxins.

Ginagamit ang activated charcoal sa Water Filtration. Tinatanggal nito ang mga impurities at harmful substances. Sa Activated Charcoal Pool – hindi nakalalasong chlorine ang ginamit, kundi activated charcoal.

Nakakapag-rejuvenate din ng balat ang Activated charcoal kaya nilalabanan nito ang skin-aging o pagtanda ng balat. Ginagamit din ito ng iba’t-ibang skincare products para sa exfoliation. Kapag ito ay inilagay sa ibabaw ng balat, ang lahat ng dumi at toxins ay nata-trap ng charcoal.

Mabisa din ito sa pagtanggal ng toxins na resulta ng kagat ng mga insekto, rashes, kagat ng ahas at iba pang nakakalason na insekto.

Paalala: ang activated charcoal ay hindi po abo na natitira pagkatapos sunugin ang kahoy.

Maliban sa Activated Charcoal Pool, may activated charcoal capsule din na available sa Dok Alternatibo para maibsan ang pananakit ng tiyan na sanhi ng Bloating o Gas indigestion. Sa pag-aaral sa American Journal of Gastroenterology, ang pag-inom ng activated charcoal bago kumain ay pang-iwas para hindi makapag-produce ng intestinal gas.

Hanggang sa ngayon, patuloy parin ang pamamayagpag ng activated charcoal sa medical community.

Para sa dagdag na impormasyon, makinig sa Prime Solutions Program with Dok Ed Delibo dito sa Prime fm mula alas 8 ng umaga hanggang alas 11 para sa mga pinakabagong solusyon kaugnay sa problemang pangkalusugan.

Bisita din sa pinakamalapit na branch ng Dok Alternatibo para sa libreng consultation.