PA220072

Diyos ang may Gawa at Hindi Tao! Ito ang paniniwala at tinatahak na landas ng Dok Alternatibo Healing Ministry Association Incorporated o DAHMAI na pinamunuan ni Award-Winning Inventor Dok Edgar L. Delibo, isang Doktor of Ministry in Alternative Medicine, dahilan upang makamit ang tagumpay at pinalawak pa ang panggagamot sa pamamagitan ng Tradisyunal at Alternatibong pamamaraan at tinawag nya ngayon na Dok Alternatibo “Expert in Alternative Medicine”.

Taong 2009, ginanap ang “Mindanao Invention Contest and Expo” sa Davao City sa pangunguna ng Department of Science and Technology Application and Promotion Institute o DOST-TAPI upang bigyan karangalan ang na-imbento ng mga imbentor na kababayan nating Pilipino at isa sa nabigyan ng award si Inventor Edgar Delibo dahil sa kanyang imbensyon na “Fulvic Mineral” bilang 2nd Place winner Anti-Hypertensive/Anti-Diabetic Herbal Composition sa Outstanding Creative Research TUKLAS Category at naging 3rd Place Winner naman sa Utility Model bilang “Herbal Food Supplement that Promotes Good Health”, nadagdagan pa ang naturang karangalan nang naging “Finalist” bilang “Anti-Cardio Vascular Diseases Herbal Food Supplement that Promotes Good Health” sa nakaraang “Ambassador M. Yao Intellectual Property Innovation Awards” noong Oktubre 2009 na pinamunuan naman ng Philippine Chamber of Commerce and Industry at Intellectual Property Philippines. Ibig sabihin, napatunayan ni Inventor Edgar Delibo na kakaiba ang invention na nagawa at nasaliksik niya para tulungan ang problemang pangkalusugan nating mga Pilipino ngunit sa kabila nito meron pang bumabatikos at kumokontra sa itinuturong adbokasiya ng Dok Alternatibo na itinayo ni Delibo.

Bilang partner sa Adbokasiya, ang 1-ASAPPP Movement o Isang Adbokasiya sa Alternatibong Panggagamot, Pagsasaka at Pangkabuhayan, nasaksihan natin na totoong bumabalik sa healthy na kondisyon ang katawan ng mga dating masakitin na tao nang sila ay sumunod sa itinuturo ng Dok Alternatibo na syang ipinapalaganap nito sa buong bansa.

Mga kababayan, ang panggagamot na ito ay hindi na bago para sa ating lahat dahil alam natin na matagal na itong ginagamit ng ating mga ninuno, bagkus umabot ng 100 years o mahigit pa ang kanilang buhay dahil hindi sila umaasa sa kemikal na gamot na gawa ng tao kundi natural na paraan mula sa tanim na nasa paligid at tradisyunal na namana ang ginamit sa panggagamot. Ngunit ngayon, tila naiba na ang pamaraan na pinaniniwalaan ng karamihan tungkol sa panggagamot  at napabayaan ang mga Herbal at Natural na nasa paligid lamang makukuha at ito ay sadyang ginawa ng diyos para sa ating lahat. Kahit may batas pa ang bansa sa pamamagitan ng Republic Act 8423 o Traditional and Alternative Medicine Act (TAMA) of 1997, walang nagawa ang institusyon na itinayo ang Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care (PITAHC) upang ipalaganap at palawakin ang nakasaad sa nasabing batas.

Kaya’t gumawa tayo ng hakbang upang patatagin ang Tradisyunal at Alternatibong panggagamot sa Pilipinas sa pamamagitan ng signature campaign na pina-ikot natin sa buong bansa upang mangalap ng pirma mula sa mga kababayan natin na naniniwala sa ating Adbokasiya na hindi kailangan ng maintenance na synthetic medicines ang mga karamdaman tulad ng Hypertension, Diabetes, Arthritis, at kung ano-ano pang uri ng sakit na pinangalanan nila na ang totoo naman ito ay resulta lamang ng maling pagpasok ng mga pagkain sa katawan at maling impormasyon na itinuro sa ating mga Pilipino.

Sa susunod na edisyon ng ating Adbokasiya isa-isa nating ilathala dito ang mga kababayan nating natulungan ng Tradisyunal at Alternatibong Panggagamot na itinuturo ng Dok Alternatibo upang ipakita ang totoong layunin ng isinusulong natin na Adbokasiya upang ang mga Pilipino ay maging malaya sa ibat-ibang uri ng karamdaman. Gayundin ang pagkukulang ng PITAHC upang patatagin ang nasabing batas at matulungan ang mga Traditional and Alternative Medicine Practitioners na mapa-unlad  ito at maging bahagi sa National Health Care System ng bansa.