anemia

Ang madalas na pagkahilo at pamumutla ng balat ay kadalasang sinyales ng anemia at ang iba naman ay binabalewala lamang ito. Nakakamatay ang anemia lalo na kung pinabayaan. Hindi lamang ito simpleng kaso ng kakulangan ng iron at ayon sa World Health Organization “silent killer” ang iron deficiency at isa itong epidemya sa buong mundo. Madalas hindi madaling matukoy ang sintomas nito kagaya ng pagiging matamlay at pangihina ng katawan. Malaki naman ang posibilidad na magkaroon ng anemia ang mga babaeng nasa postmenopausal stage, mga babaeng nagpapasuso, buntis at mga taong may sakit sa ulcer.

Hindi rin rekomendado ang palagiang pag-inom ng gatas ng baka dahil nakakababa ito ng iron absorption. Isa ring sanhi ng iron deficiency ay ang operasyon at ang biktima ng aksidente na nawalan  ng maraming dugo. Rekomendado ng mga eksperto ang pagkain ng beans, soybeans, karne, brown rice, karne ng baka at kidney beans upang matugunan ang iron needs ng katawan. Napakayaman ng molasses sa iron at limang kutsara nito ay sapat na upang mapunan ang daily iron requirement ng katawan. Pwede ring kumain ng sea foods at sea shells upang makakuha ng natural iron.

Tandaa, huwag isawalang-bahala ang anemia. Mahalaga ang bawat sustansya at nutrisyon sa katawan. Bisita na sa Dok Alternatibo upang malaman ang natural at herbal na paraan sa pagsugpo ng anemia.