lonely-sad-woman

 

Ni: Joy Quijano

Kailangan ng katawan ang magnesium lalo na sa 300 biochemical reactions ng katawan. Apektado nito ang pintig ng puso, muscles at hormones ayon kay Dr. Danine Fruge ng Pritikin Longevity Center sa Miami, Florida. Ang mga sintomas na kulang ang katawan ng magnesium ay: walang ganang kumain, pagsusuka, pakiramdam na palaging pagod, pangangalay at pamamanhid ng ilang bahagi ng katawan.

Base sa isang pag-aaral ang soft drinks, 3 in 1 coffee at inuming may alcohol ay sanhi ng pagkawala ng maraming magnesium sa katawan. Delikado rin ang kakulangan ng magnesium lalo na sa mga taong may diabetes. Ang mga pagkaing mayaman sa magnesium ay luntiang gulay, buto ng  kalabasa, mani, avocado at saging. Ang Dok Alternatibo Magnesium Ascorbate ay mainam na source ng magnesium para sa katawan. 

pinagmulan ng imahe: google.com