12713887_1037089849680699_1251518844_n

Ang halamang kulitis, uray, o amaranth sa Ingles, ay nagbibigay ng maraming benepisyo sa ating kalusugan. Mayaman ito sa protina, bitamina, calcium, minerals, at iba pang mahalagang sustansiya na nagpapalakas ng ating katawan. Ito rin ay mabisang panlaban sa iba’t ibang karamdaman katulad ng kanser.

Ang madahong gulay na kulitis ay tanyag sa bansang India, Sri lanka, China, Vietnam, at Africa. Ito ay kanilang iniluto o inihalo sa iba’t ibang recipe dahil para sa kanila ito’y mabuti sa kalusugan. Sa mga Vietnamese naman ang dahon ng halamang ito ay ginawang sopas. Ito rin ay tanyag sa Pilipinas at marami sa ating kababayan ang kumakain nito dahil mayaman ito sa bitamina A, bitamina B1 (thiamine), bitamina C, folate, calcium, iron, protina, carbohydrates, at phosphorus.

Ayon sa mga health expert ang kulitis ay mabisang panlaban sa kanser, diabetes, hypertension, pagkalagas ng buhok, oral problems, sakit sa balat, anemia, constipation, at kakulangan sa calcium. Kaya, kumain ng kulitis araw-araw upang mapanatiling malusog ang inyong katawan at makaiwas sa iba’t ibang karamdaman.