IMG_0576

“Nagkaroon ako ng nervous breakdown at nagpacheck up ako sa ibat ibang doktors, tapos ini-expect qo na ako ay magiging better pero hindi qo na-experience yong pagiging better kundi nagiging worse yong pakiramdam ko. Masaya, napakasaya. Tuwang tuwa ako kasi ang dami kong mga na-meet na mga kaibigan, na mga kakilala na may ibat ibang karamdaman, at natutuwa ako na nagkaroon kami ng mga sharing. Tapos natutuwa din ako sa service ng mga staff ditto sa Dok Alternatibo, tapos siguro yong di ko makakalimutan talaga kung pwede nga lang wag ng umuwi eh, yong every morning na meditation, zumba, yong pag-aalaga ng mga staff dito sa amin sobrang napaka masaya. Maayos yong service nila sa amin.

Kaya nagpapasalamat talaga ako sa Panginoon, na may Dok Alternatibo especially ky Dok Ed talaga maraming slamat. Sa pagre-research niya yong mga efforts niya talagang nagpapasalamat ako na binigyan siya ng Panginoon ng kaalaman, katalinuhan para matuklasan ang mga halamang gamot. At hindi lang sa halamang gamot kundi napaka holistic yong kanyang approach. Talagang totoo yon kasi nasa bible din talaga na kailangan baguhin natin yong mga negatives na pag-uugali natin kasi connect lahat sa ano natin sa puso, sa isip natin kasi nga totoo yon kahit na anong take natin ng mga naturals parin kung yong puso natin hindi marunong mag-forgive, lagi naman negative yong mga iniisip natin wala tayong makakamtan na kagalingan kung di natin baguhin ang lahat ng mga yon.

Sulit na sulit, super sulit. Tulad ng sinabi ko kung pwede lang wag ng mag-uwi. Kung pwede lang mag-stay nalang dito. Natulungan talaga ako ng rejuvenation kasi ang dami ko talagang natutunan lalo na doon sa mga lectures ni dok Ed na ibinahagi specially yong tinuturo niya na mag-submit tayo sa Panginoon. Yong tinuturo niya sa atin na yong mga negative thoughts ay ireverse natin lahat ito positive thoughts talaga. So napakalaking bagay talaga yon para sa akin dahil kung hindi talaga tayo mag-submit sa Panginoon wala din kaya kailangan talaga andon talaga yong dapat tiwala natin sa ating Panginoon, holistic approach nga.

Sa mga staff maayos naman sila, palagi silang naka-smile, at yong mga service nila maayos naman, tapos si Dok Ed talaga salute na salute ako sa kanya especially nong nakausap ko yong kanyang mother, yon napakabait nya talaga at talagang nagsikap siya para makapagtapos talaga, at yon talagang biniyayaan siya ng Panginoon ng talino, biniyayaan siya ng Panginoon na matuklasan ang lahat ng bagay na ito especially yong natural na panggagamot at ang dami-dami nya talagang taong natutulungan kaya talagang saludo ako kay Dok Ed. Sana ang Panginoon ay patuloy na maggabay sa kanya saan man siya naroon at anuman ang kanyang mga ginagawa. Lagi kong ipapanalangin na gagabayan siya ng Panginoon at iingatan siya ng Panginoon at maging ang kanyang family.

Kaya sayo Dok Ed mabuhay ka. Nagpapasalamat ako sa inyo ng lubusan dahil ang dami-dami mong mga taong natutulungan, yong mga taong akala nila wala ng mga pag-asa. Ikaw ang gumabay sa kanila, ikaw ang nag-motivate sa kanila upang magkaroon sila ng pag-asa na gumaling, lumakas at upang sa gayon ang buhay ay may saysay sa kanila. Kaya Dok Ed maraming maraming salamat talaga sayo blessing ka talaga ng Panginoon sa akin at maging ang lahat ng mga tumatangkilik ng Dok Alternatibo. At isa pa nagpapasalamat talaga ako sa ating Paginoon dahil yon nga nagkasakit ako ang dami kong nagastos na halaga at hindi ko sukat akalain na ang mga yon ay maibalik sila at hindi lang yon kundi sobra pa don sa nawala yong mga naibalik dahil sa produkto ng dok alternatibo, dahil nakita talaga ng mga kakilala ko mga kaibigan ko lalo ng mga nakakita sa akin nong akoy may sakit. Nagtatanong talaga sila kung ano yong mga ginamit ko dahil nakita nila ako na kung pwede lang araw-araw pupunta ako sa doktor tapos ngayon hindi na nila ako nakikita. Kaya nagtatanong sila kung ano daw ang mga products na ginamit ko. So yon ipinagmamalaki ko talaga yong products ng Dok Alternatibo.

Sa katunayan nakakarating na ng ibang bansa yong mga products lalo na yong mix10, yong charcoal soap. Kaya nagpapasalamat talaga ako sa Panginoon na ginamit ang mga products ng Dok Alternatibo upang maibalik yong mga nawala kong pera. Kaya maraming maraming salamat sa Panginoon, at maraming maraming salamat sayo Dok Ed. I miss you.