12784674_1047596071963410_1572362863_n

Ang pagluluto ay isa sa pinakamagandang ehemplo ng pamilyang Pilipino, at ang matagumpay na pagluluto ay naaayon sa kagamitan at kasanayan ng taong nagluluto. Ayon sa mga eksperto mahalagang lutuin o isalang sa mainit ang pagkain dahil sa pamamagitan nito namamatay ang mga mikrobyo at parasite na kadalasang matagpuan sa karne at isda. Ang mga gulay naman ay kailangang maisalang sa tamang pagluluto upang hindi maglalaho ang sapat na nutrisyon na siyang kailangan ng ating katawan.

Iba’t iba ang paraan ng pagluluto kagaya ng pagpiprito, pagluluto sa hurno, paglalaga, pag-iihaw, pagtitinapa, pagluluto sa microwave, paglilitson, pagpapakulo, at iba pa. Ang mga ito ay kadalasang nakapag-aksaya ng mahabang oras, aksaya sa kuryente, mantika, uling, at higit sa lahat ay maaaring masakripisyo ang kalusugan ng inyong pamilya.

Kaya kung nais nyo ang isang mahusay at maginhawang pagluluto, isang makabagong teknolohiya o naimbentong gadget ang inyong kailangan upang mapadali ang proseso ng pagluluto ng inyong paboritong pagkain, na hindi kailangang maglaho ang bitamina at nutrisyon nito.

Ipinakilala ng Payo-Dok Alternatibo Technologies ang DAHON WONDERCOK! Isang makabagong cookware na makakatulong sa isang mabilis at komportableng pagluluto. Ang wonder cooker ay isang maaasahan na gadget na magbibigay sa inyo ng malusog at masarap na pagkain na mapapanatili ang aroma, enzyme, bitamina, at sustansiya. Kaya, hindi nalalagay sa panganib ang inyong kalusugan. Tipid ito sa oras at kuryente, at hindi mo kailangang gumamit ng mantika o cooking oil. Wala rin itong usok kaya ma-eenjoy mo ang pagluluto sa iba’t ibang recipe na iyong gusto. Pwede ring pagsabayin ang pagluluto ng dalawang recipe sa isang cookware. Matitikman mo na ang iyong paboritong pagkain gamit ang wonder cooker katulad ng roasted chicken, rice casserole, grilled vegetables, French fries, muffins, barbecue, at iba pa. Ito rin ay mabisang air filter, may kakayahan itong salain o alisin ang amoy ng nilutong pagkain na maaaring maglaganap sa loob ng bahay.

Kaya, subukan na ang pinakabagong Dahon Wondercok! Maaasahan sa lahat ng oras at isa sa pinaka-komportableng kagamitan sa kusina. Para sa inyong order, bumisita lamang sa Dok Alternatibo branch malapit sa inyo, o maari ring tawagan ang mga numerong ito: 09177060629, 09985441175, at 09237333054.