Depression

Ni: Marylie Noran

Ikaw ba ay palaging napapagod? Nahihirapan sa pagtulog at nawawalan na ng gana sa mga bagay na dati ay gustong-gusto mo at pakiramdam mo ay nawawalan ka na ng pag-asa? Ito ay iilan lamang sa mga sintomas na ikaw ay Depressed.

Ayon sa isang pag-aaral sa Dialogues in Clinical Neuroscience, 69% ng mga bumibisita at komukunsulta sa doctor ay may kinalaman sa depresyon. Ilan sa mga sintomas kagaya ng migraine, bloating, backaches at joint pain ay ilan sa mga kaakibat na sintomas  ng mood disorders , na sintomas din ng Depression.

Isang 2007 Norwegian study ang nagsasabi na ang naturang sintomas ay sanhi rin ng kamatayan.

Ilan sa mga  common physical symptoms  ay ang Migraine. Ayon sa neurologist na si Lisa K. Mannix, MD mula sa Cincinnati, ang migraine ay sanhi ng stroke at anxiety disorder. 11% sa mga taong nakakaranas ng migraine ay may mood disorder na kapag lumala ay nagiging panic disorder at major depression.

Pangalawang sintomas ay ang Joint Pain. Ang mga taong palaging nananakit ang mga joints ay nagiging mas depressed. Sintomas ng depression ang pamamaga at pagkasira ng joint cartilage. Sintomas din ang bloating at constipation.

Hindi rin dapat balewalain ang pananakit ng dibdib. Ayon sa National Institute of Mental Health, tatlo sa dalawampung Amerikano na may heart disease ang nakakaranas ng depresyon.

Ang back pain naman ay nagiging dahilan din ng mood disorders. Samantala, makakatulong dito ang masahe upang mawala ang stress.

Ito ang mga sintomas na sanhi ng depresyon at hindi dapat isawalang-bahala

Pinagmulan ng imahe: http://www.brassmonkeyproductions.com/