Ang consumption o ang tinatawag na tuberculosis sa ngayon ay isang nakakahawang sakit nakadalasang nakakaapekto sa baga ng tao.

Ayon sa World Health Organization o WHO ang TB ay isa sa top 10 deadly diseases habang nangunguna naman ito sa deadly infectious disease sa buong mundo.

Base naman sa Wikipedia ,umabot na sa mahigit 1.7 milyong katao ang namatay bunsod nito noong taong 2016 kung saan sa nasabing bilang 95% ay mula sa developing countries, mahigit 50% naman ay mula sa India, China, Indonesia, Pakistan, at Pilipinas.

Ang tuberculosis ay preventable o maagapan subalit dahil sa taas ng time frame ng treatment nito nahihirapan ang mga ekspertong magamot ang TB. Ang bakteryang Mycobacterium tuberculosis ang siyang sanhi ng Tb kung saan nakukuha ng isang tao sa hangin sa pamamagitan ng pag-ubo,pakikipag-usap at paghatsing ng taong may active TB.

May dalawang uri ng TB ang pulmonary at extrapulmonary TB. Kapag naging aktibo na ang TB sa isang tao,karaniwang naapektuhan lamang nito ay ang baga kung kaya ito ay tinatawag na pulmonary TB. Kapag naman ang impeksyon ay kumalat na sa labas ng baga tinatawag na itong extrapulmonary TB.

Ayon sa Healthline,karaniwang sanhi ng TB ay pag-ubo na tumatagal ng tatlong dugo o may halong dugo,fatigue,lagnat, pagpapawis sa gabi, pagkawala ng gana at pagbaba ng timbang.

Ilan rin umano sa mga bagay na nakakapagdulot ng TB ay ang paninigarilyo, pagkakaroon ng HIV,ilang immune system issues, diabetes,end-stage kidney disease at pagiging malnourish.

May iilang medikasyon rin na mas magpapalala pa ng ng sakit na TB gaya na lamang ng mga medikasyon na ibinibigay sa mga may sakit cancer,rheumatoid arthritis,Crohn’s disease,psoriasis at lupus.

Para magamot ang TB ilan sa mga pinagkakatiwalaan ng karamihan ay ang antibiotics at ilang synthetic treatments.Kamakailan ng kinumpirma ng WHO na ang antibiotics ay hindi na garantisadong nakakapagpagamot at nakakapagpagaling ng mga sakit o karamdaman.

Sa katunayan umabot na sa mahigit dalawang milyong katao ang namatay dahil sa antibiotic resistant infections.

Ayon pa kay Dr. Holly Philips, matatalino umano ang bakterya dahil sa oras na maexposed ang mga ito sa antibiotics,lumalaki ito at nag eevolve sa paraan kung saan hindi na sila kayang patayin pa ng antibiotic.

Abangan bukas kung paano mapagaling ang TB sa tulong ng herbal na pamamaraan.

By:Redchel Montes