Nakakabadtrip ang traffic sa EDSA kaya ang China ay naghanap ng solusyon dyan, may linya na ng light rail sa kanila na tumatagos sa isang 19-story residential apartment.

Ito’y sa labis na kasikipan ng sentro sa siyudad ng Chongqing na mayroong populasyon na 8.2 milyon kaya napagdesisyunan nilang gumawa ng bagong linya ng tren at minabuting butasan na lang ang isang gusali kaysa gibain ito.

Ang Chongqing Rail Transit No. 2 ay tumatagos sa isang block ng apartments sa Libiza Station nito mula 6th hanggang 8th floor ng mga gusali.

Ito ay dinisenyo upang maka-akyat ng matarik at lumiko maski kapos sa espasyo at upang mabawasan ang ingay, goma ang ginamit sa mga gulong ng monorail na ito.