images

Ni: Benjie Caballero

Isang mataas na tauhan ng gobyerno sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ang inaresto ng operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa bisa ng search warrant sa kanyang bahay sa Sinsuat Avenue, Cotabato City.

Sa panayam ng Prime Balita kay PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. Kinilala ang inarestong suspek na si Frederick Dedicatoria, alyas Dick, 47, ng Door 3, Ibad Apartment, Esteros, Sinsuat Avenue, Cotabato City.

Ayon kay Cacdac ang suspek ay kasalukuyang empleyado sa tanggapan ng Regional Governor ng Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) bilang Administrative Officer V ay ikinokunsiderang High Value Target (HVT) ng PDEA sa rehiyon.

Nabatid na ang suspek ay sangkot umano sa malawakang distribusyon ng iligal na droga sa lokalidad.

Nasamsam sa bahay ng suspek ang ilang piraso ng ebidensiya gaya ng 2 sachet ng shabu na may bigat na 5 gramo, isang timbangan , cellphones at mga IDs matapos isilbi ng mga tauhan ng PDEA Autonomous Region of Muslim Mindanao (PDEA-ARMM) ang search warrant na inisyu ni Judge Bansawan Ibrahim Al Haj, Executive Judge ngĀ  12th Judicial Region, Regional Trial Court Branch 13.

Dahil dito kimasuhan ng paglabag Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165 (RA 9165), o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang nahuling suspek sa Maguindanao Provincial Prosecution Office.