Hindi inaasahan ng 17-anyos na si Jhonvel Salucan na siya ang makakakuha ng gintong medalya sa larong Arnis sa naganap na Regional Sports Competition. Ginanap ito sa Mati City, Davao Oriental kung saan naglaban-laban ang mga estudyanteng atleta sa mga laro kagaya ng Arnis, Badminton, Basketball, Boxing, Chess, Gymnastics at iba pa.

Si Salucan ay mula sa San Miguel, Digos City at estudyante ng Dok Alternatibo Business School – Grade 11, Senior High na kumuha ng Electronics Servicing NCII.

Sa panayam sa kaniya, hindi niya inaasahang magtatagumpay siya sa Arnis, dahil ang una niyang nagustuhang laro ay Volleyball. Gayunpaman, naniniwala siyang ang kanyang kapalaran ay nasa larong Arnis kaya’t sinubukan niya ito. At dahil siya ang nagwagi sa DAVRAA bitbit ang  gintong medalya,  pasok na si Salucan sa National level Competition- Palarong Pambansa, na gaganapin sa Antique sa ika-23 ng Abril hanggang 29.

Kaninang umaga (March 27) ay naka one-on-one in Salucan ang CEO ng Dok Alternatibo na si Dok Ed Delibo. Inaasahan ang suporta ng Dok Alternatibo sa pakikipagsapalaran nito sa Sports. Nagpasalamat si Salucan sa lahat ng mga taong sumuporta sa kanya. Nagpahayag din siya ng kahandaan, narito ang kanyang tinig:

Ang Palarong Pambansa ay isang annual multi-sport event na sinimulan noong 1948 sa pangunguna ng Department of Education (DepEd). Layunin nito na mai-promote ang Physical Education, gayundin ang disiplina, teamwork, at sportsmanship.

Good news para sa mga mahilig sa Sports (Volleyball, Basketball, Archery, Football, Taekwondo, Table Tennis, Chess, etc.), nag-aalok ang Dok Alternatibo Business School ng Scholarship. Mag-inquire lamang sa Registrar’s Office, Brgy. Tiguman, Digos City, Davao del Sur. O tawag sa numero 272-2238 o 0998-576-4655. Subaybayan ang latest updates sa Prime FM, Dok Alternatibo Radio. (Digos frequency: 106.3)

See also: 

Dok Alternatibo Research and Development Foundation Inc. Prime School; Your future is HERE!