sea salt edited

Ni: Joy Quijano

Batay sa Global Healing Center ang sea salt ay makakatulong sa mabahong paa. Ang athlete’s foot ay sanhi ng fungi na namamatay kapag ibinabad sa maligamgam na tubig na may asin, pwede rin haluan ang suka at luya dahil may anti-microbial properties rin ang bawang na pumupuksa sa mikrobyo. Madalas bumabaho ang paa kapag basa ito kaya mainam na panatilihin itong tuyo bago magsapatos. Kapag pinabayaan ang athlete’s foot maaari itong lumala at makahawa. Iwasan rin ang paghihiraman ng sapatos.

Kailangan rin na may sariling tsinelas sa banyo upang hindi direktang maapakan ang sahig na maaaring pagmulan ng mga fungi at mikrobyo. Makakatulong rin na makaiwas sa mabahong paa ang pagpapanatiling malinis sa sapatos at regular na paglalaba sa sapatos at sandals. Rekomendado ang Dok F Original Sea salt upang iwas mabahong paa! Mabibili sa pinakamalapit na Dok Alternatibo Centers sa inyong lugar!