Pregnant woman holding a coffee mug.

Ni: Jerry Arellano

Nararanasan ang morning sickness kagaya ng pagsusuka sa ika anim at ika-labing dalawang linggo ng pagbubuntis. Ayon sa mindbodygreen.com ang pagkain ng mga pagkaing mayaman sa vitamin B-6 ay makakatulong upang maiwasan ang pagsusuka. Ang B-complex at iron ay mainam para sa buntis. Ang mga pagkaing mayaman sa B-complex ay atay, itlog, prutas at luntiang gulay.

Nakakatulong ito sa normal na pintig ng puso, muscles at nervous system. Mabuti rin ang vitamin B6 bilang pampalakas ng immune system, marami nito sa saging, beans at isda. Upang maging komportable ang pagbubuntis uminom ng maraming tubig at maglakad-lakad tuwing umaga upang makakuha ng vitamin D mula sa araw.

Ang Dok Alternatibo B-complex ay kargado ng B vitamins na kailangan ng buntis ng kanyang sanggol sa loob ng sinapupunan. Iwasan ang mamantika at pritong pagkain.

pinagkunan ng imahe: overcaffeinated