Nakakakulong sa ngayon ang isang babae matapos itong mahuli sa manhunt charlie operation kahapon bandang alas 10 ng gabi sa may Jose Abad Santos St.,Digos City.

Ang suspek ay kinilalang si Yolanda Ganadin Cago alyas “Yoly”,49 anyos,may asawa at residente sa  1133,Mabini Ext.,Brgy.San Miguel,Digos City.

Nadakip ang suspek sa isinagawang manhunt charlie operation na pinangulohan nila  SPO2 Jimuel Castrodes warrant PNCO at SPO2 Charlie T. Dela Rosa.

Ayon sa ating kapulisan,hinuli ang suspek sa salang paglabag sa  Section 18 at Section 19 ng SSS Law o Republic Act 8282.

Tinatayang P24,000.00 ang kinakailangan ng suspek para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Sa ngayon,kasalukuyang nakakaulong ang suspek sa Digos City Police Station.

By:Redchel Montes