woman-seated-back-pain

Ang matagalang pag-upo sa loob ng ilang oras ay sanhi ng kamatayan. Hindi lamang nakakataba ang mahabang oras ng pag-upo dahil sanhi rin ito ng marami pang sakit. Sa mga taong nagtatrabaho sa opisina aabot ng labing-tatlong oras ang pag-upo sa isang araw at walong oras upang matulog. Ilang oras na lamang ang natitira para sa pisikal na mga gawain? Ito ang mga sanhi ng maaga at hindi napapanahong pagkamatay.

Ayon sa isang Japanese scientist kapag hindi naglalakad ang isang tao, mas malaki ang tsansa na tumaas ang lebel ng kolesterol nito at nauuwi sa sakit sa puso. Napag-alaman rin na mas produktibo ang mga taong malusog at walang dinaramdam na sakit. Kapag regular ang pag-eehersisyo mas malaki ang kontribusyon nito upang lumago ang isang kompanya o pinagtatrabahuan. Kahit mahal at gusto mo ang trabaho mo kung ito ang sanhi ng iyong kamatayan ay hindi mo ito magugustuhan.

Ang stress ay nakukuha rin mula sa trabaho. Sa isang survey na pinangunahan ng Yale University napag-alaman na 29% ng mga empleyado ay nakakaranas ng stress sa trabaho. Hindi lamang kakulangan ng pisikal na gawain ang kinakaharap na problema ng office workers kundi maging ang stress ng isipan na lubhang nakakaapekto sa kalusugan.

Ayon sa American Institute of Stress 77% ng mga tao sa Amerika ay nakakaranas ng stress na sanhi ng pressure sa trabaho kagaya ng hindi pagkakaintindihan sa mga kasamahan, pressure mula sa boss at work overload. Pangalawang sanhi ng stress ay ang pera sanhi ng kawalan ng trabaho at problemang pangkalusugan dahil sa mga sakit. Maiiwasan lamang ang stress kung may mga pisikal na gawain na nagpapaaktibo sa katawan. Paulit-ulit na ipinapaalala ng mga health expert ang pag-ehersisyo bilang susi sa malusog na pangangatawan at isipan. Narito ang ilang simpleng ehersisyo na pwedeng gawin kahit nasa opisina:

  1. Stretching ng ulo, leeg at paa.
  2. Igalaw-galaw  ang balikat nang paikot.
  3. Paikutin ang paa at bukung-bukong.
  4. I-stretch ang mga kamay at nakaharap pababa ang mga palad.
  5. I-stretch ang mga daliri.

Pinagmulan ng Imahe: Backpaindaily.com