brown_white_bread_800

Ni: Joy Quijano

Ang mga tinapay na ating nabibili mula sa mga grocery ay isa ring junkfood. Matagal nang pinagtutuunan ng pansin ng mga eksperto ang kawalang nutrisyon ng white bread na mayroong refined grains at flour. Ayon sa mga nutririonists at dieticians mas mainam kainin ang whole grains. Ngunit pareho palang masama ang epekto nito sa katawan. Ang mga tinapay ngayon ay may matataas na lebel ng calories na maaaring magpataas ng blood sugar sa dugo.

Ang grains ng mga white bread ay nadurog o na-pulverize upang maging fine flour. Madali itong matunaw sa tiyan dahilan ng madaling pagkagutom. Ang starch ng mga tinapay ay madaling makakapasok sa bloodstream bilang glucose ito naman ang magiging sanhi ng high blood sugar at insulin level. Mas malaki ang factor ng white bread na makasira sa blood sugar lebel kumpara sa pagkain ng maraming candy bars.

Kapag mababa ang blood sugar mabilis itong bumaba pa hanggang sa magutom tayo. At kapag gutom na, kakain na naman at madaragdagan na naman ang carb intake. Ito ay tinatawag na blood sugar rollercoaster. Ang mataas na blood sugar ay dahilan ng glycation sa cellular level at nagre-react ang blood sugar sa proteins ng katawan at ang resulta nito ay ageing o katandaan.

Mataas ang gluten ng mga  white bread (isang protein ang gluten). Kapag ang tinapay ay may gluten ang immune system ng ating tiyan ay umaatake dito at nauuwi sa pagka-damage ng digestive tract, pananakit ng tiyan, kabag o bloating, stool inconsistency at pagod o tiredness.

Ang gluten ay responsable sa schizophrenia at cerebellar ataxia ito ay mga sakit sa pag-iisip. Talagang makakasama sa tao ang gluten.

Ang mga commercial bread ay mataas ang sugar o fructose nito mula sa corn syrup, kagaya ng iba pang processed foods. Nagiging sanhi din ito ng hypoglycemia. Ang grains na ginagamit ay anti-nutrient na tinatawag na phytic acid. Ang phytic acid ay molecule na pumipigil sa mga minerals tulad ng calcium, iron at zinc na ma-absorb ng katawan.

Mababa ang calorie ng tinapay kumpara sa gulay. Sinisira din nito ang intestinal lining. Ang fiber mula sa white bread ay nag-aaksaya ng vitamin D sa katawan  at posibleng magkaroon ng vitamin D deficiency ang mahili kumain ng tinapay. Ang kakulangan ng vitamin D ay konektado sa cancer, diabetes at pagkamatay.

Kahit pa may nakalagay na whole wheat ang tinapay  hindi pa rin ito makakatulong sa kalusugan. Sa isang pag-aaral, merong 36 na tao ang hinati sa dalawang grupo. Pinakain sila ng whole oat cereal at whole wheat cereal. Matapos ang 12 linggo sinukat ang blood lipid levels nila. Napatunayang tumaas ng may 80% ang LDL cholesterol nila.  Ang low-density lipoprotein ay ang bad cholesterol.

Sa ating katawan ay parang may nagdidigmaang cholesterol, ang good at bad cholesterol. Hinaharangan ng bad cholesterol ang atherosclerosis na sanhi ng heart attack dahil nagkakaroon ng blood clot ang artery.  Ang ibang LDL ay naiipon sa arteries walls maaari itong magsimula sa pagkabata hanggang adolescence. Ang white blood cells ay ginagawang  toxic o oxidized ang LDL. Sa pagdaan ng panahon maiipon ang maraming white blood cells sa artery at mamamaga ito. Ang LDL din ay maiipon at magiging plaque na siya namang haharang sa artery.

Ang wheat bread ay tinuturing na less evil kumpara sa white bread. Mas makakabuti na hindi na lamang kumain ng tinapay. Kapag gustong magbawas ng timbang huwag nang kumain ng tinapay dahil nga sa gluten at LDL cholesterol nito. Makakasira sa intestinal wall, sanhi ng blood sugar roller coaster, kabag at pananamlay.

Karagdagang impormasyon kung bakit masama ang tinapay:

1. Mayroon itong microforms na hindi mabuti sa katawan. Ang stored grains kasi ay umaabot ng 90 araw upang ma-ferment at nagkakaroon ito ng mycotoxins at microforms.

2. Acidic ito sapagkat ang refined  grains ay sumisira sa alkalin at acid balance ng katawan. Ang yeast, fungus at mould mula sa tinapay ay tiyak na hindi makakatulong sa pagkakaroon ng malusog na katawan.

3. Mahalaga ang mucus sa katawan lalo na sa pagprotekta laban sa acid. Kung wala ang mucus ang acid ang susunog sa ating tissues, cells at organs. Kapag kumain ng acidic food tulad ng tinapay, naiipon ang mucus na sanhi naman ng di pagkatunaw ng pagkain, nasal congestion, lung congestion(maaaring humantong sa asthma). Ang gluten o glue to the power of ten ang salarin kung bakit hindi makalabas ang toxins sa katawan.

4. Walang nutrients ang makukuha sa tinapay. Sa pagproseso nito nawala na ang germ at bran ng wheat at ang natira na lamang ay flower. Ibig sabihin dahil processed food ang tinapay, wala na itong mahahalagang nutrients. Makakasama rin ang flavorings na idinagdag sa commercial breads.

 Image Source: Health Castle