hmp_logo_big

Noong  December 28 2012 nagpalabas ang Bureau of Internal Revenue ng revenue regulation  na kung saan inaatasan nito ang lahat ng mga magbabayad ng buwis mapagobyerno man o pribado na may negosyo ay kailangang kunuha o mag apply mula sa opisina nito ng Authority to Print (ATP) ng principal at supplementary receipts/invoices, at para naman sa mga bagong rehistradong magbubuwis ay ang ATP kaalinsabay ang Certificate of Registration. Ibig sabihin kailangan nang palitan ang kanilang resibo at lahat naman ng mga resibo ng mga negosyante at gobyernong kumikita na hingi nagamit na naimprenta bago mag Disyembre 28, ay maari lamang gamitin hanggang Hunyo 30, 2013.

Maraming umangal na mga negosyante sa ibinabang regulasyong ito ng BIR. Dahil ang resibong kanilang dapat na gamiting ay halos hindi pa nauubos o di kaya’y hindi pa nangangalahati dahil may anim na buwan lang sila upang ito ay kanilang gamitin sa kanilang negosyo. “The complaints against the new regulations are without any basis since the tax agency had issued Revenue Regulations (RR) No. 18-2012 last year and published the same on January 3, 2013.” Ito ang pinanindigan ni BIR Commissioner Kim Jacinto-Henares.“We believed the six months is enough preparation for everyone to comply with such requirement”  dagdag pa niya, sa panayam ng mga membro ng media. Kailangang mga bagong resibo na ang ibigay ng negosyante sa kanilang mga mamimili o kliyente sa kanilang mga transaksyon  mula Hulyo a uno ng taong ito at dapat na sila ay nakapagapply  na ng ATP noong April 30 at kung hindi sila ay papatawan ng multang Php1,000.00, samantala yun naman hindi magbibigay ng resibo mula noong Hulyo 1 ay mapaparusahang mag multa ng hanggang Php50,000.00.

Maraming nagkumahog patungo sa mga opisina ng BIR sa ibat ibang lalawigan at rehiyon upang sumunod sa utos ng BIR. Subalit walang linaw na kung sino sino ang mga accredited printers, kalian irerelease sa kanila ang mga pagong resibo kung sila man ay naka pag comply na sa lahat ng requirements na itinadhana ng regulasyon.

Dinelay o hindi agad ipinatupad ng BIR ang implementasyon ng nasabing RR No. 18-2912 at iniurong hanggang Agosto 31 duon sa mga hindi nakakapagpaprint ng bagong resibo, at pwede pang gamitin pangsamantala ang kanilang lumang resibo. Ito ang paglilinaw ni Commisioner Henares sa kanyang statement. Kayat muling gumawa ng kalituhan sa mga negosyante ang naturang pag delay. Hindi malinaw sa kanila kung ang dating resibo na kanila ng isinumite na sa BIR habang naghihintay ng bagong naimprentang resibo ay maari pa nilang bawiin at pansamantalang gamitin upang hindi maantala ang kanilang negosyo o yung nagproproseso pa lamang ng kanilang ATP ay maari pa ring gamiting ang lumang resibo. Maging ang Philippine Chamber of Commerce and Industry ay nagsabing nahihirapan silang tumalima sa nasabing RR-18-2012 dahil sa kakulangan ng panahon at pinanindigan ni Commissioner Kim Henares na wala ng extension ang implementasyon ng RR-18-2012 na hanggang noong  Agosto 31 lamang.

(ARCHIE ALMEIDA)