Sabik na umano ang promoter na si Bob Arum sa nalalapit na laban ni IBF junior bantamweight champion Jerwin Ancajas sa ilalim ng Top Rank Promotions.

Ayon kay Arum, nais na umano niyang makita kung ang isa sa mga alaga niya ang susunod na bersyon ni Pinoy legend Manny Pacquiao.

Pero ayon ng 85-anyos na promoter na maaga pa umano para magkaroon ng expectations kay Ancajas.

Una nang inihayag ni Ancajas na ibubuhos umano nito ang lahat huwag lamang aniyang mabigo ang kanyang mentor na si Pacquiao.

Magaganap sa Texas sa Estados Unidos ang laban ni Ancajas kontra sa challenger nitong si Israel Gonzales ng Mexico.