Walang kaalam-alam ang isang babae sa Britanya na mayroon siyang 27 contact lenses sa kanyang isang mata.

Ayon sa 67 anyos na babae, inakala niyang nakakaranas siya ng discomfort sa kanyang mata dahilan sa katandaan o pagiging tuyo ng kanyang mata.

Matapos na alisin ng doktor ang 17 lenses, ay may natagpuan pang 10 lenses sa ilalim ng takipmata ng pasyente.

Ayon pa sa doktor, ang pasyente ay may suot-suot nang disposable contact lens sa loob ng 35 taon ngunit hindi umano komunsulta sa eye doctor para sa regular check ups.

Samantala, isinulat ng doctor ang nangyaring incidente para mapalawak pa ang kaalaman ng publiko tungkol kalusugan ng mata.