Isa ang pop star na si Britney Spears, sa sumusuporta ng lesbian, gay, bisexual and transgender (LGBT) group sa Los Angeles, California.

Kung saan ipinagtanggol niya ang mga ito laban sa anumang pambu-bully at pagsuporta rin sa gay marriage.

At dahil sa kabutihang loob ng singer, paparangalan ito ng nasabing grupo. Kung saan isasagawa ang awarding ceremony sa April 12 sa Beverly Hills, California.

At magugunitang naparangalan rin ng LGBT Community sina Elizabeth Taylor, Whoopi Goldberg at Jennifer Lopez.