pnoy team

Sa gitna ng mga kalamidad na inaabot ng ating bansa hindi talaga maalis alis ang pamumulitika. Araw araw sa ginawa ng Diyos, ang bawat hiniga ng radio, pamumulagat ng dyaryo maging ang internet ay pulitika ang nilalaman.

Eka nga tatlo ang panahon sa ating bansa tag ulan na may bagyo at baha, ang tag init na tigan ang lupa at tuyot ang pananim…ang pangatlo ay tag eleksyon makukulay na sirkus ang umiikot ikot sa ating mga komunidad.

Katatapos lang ng Barangay Election ang mga nanalo naway magsilbi ng taus puso sa kanilang mga na sasakupan. Huwag umasa sa Internal Revenue Allocation o IRA.

Natatandaan nyo ba ang kuwento ni Rizal sa Dapitan? Dibat isinaayos niya ang sistema ng patubig sa nasabing lugar. Ibig sabihin sariling kayod na mula sa wala. Kung ganyang ating mga lider sa Barangay abay hindi na kailangang lumahad ang palad ninyo sa Meyor at magmaka awa.

Malayo pa ang 2016 ay nag lalaro na ng bunong braso ang kampo ni Pnoy. Lahat ng nakikitang magiging sagabal ay inumangan na ng kanyon.

Asunto ang kinahaharap ng mga kalaban, tulad ni Jinggoy, Revilla at Enrile at ngayon naman ay kanselasyon ng kanilang pasa porte.

Si VP Jojo Binay naman ay tinggalan ng pondo ang National Housing Authority (NHA) na nasailalim ng kanyang supervision bilang housing Czar at idinagdag sa pondo ng DILG na may halagang 1.244 bilyong Piso para sa Housing Program ng mga pamilyang Informal Settler na mga naninirahan sa mga mapanganib na lugar na nasaloob ng Metro Manila.

Ano man ang dahilan ng Malakanyang sa mga hakbang na ito, malinaw pa sa sikat ng araw, na ayaw nilang papormahin ag kanilang nakikitang potensiyal na kalaban. At pondo para sa eleksyon ang kailangan na hindi mangagaling sa bulsa nila ang kanilang nillikum.

Sabi ni Tata Kino sa akin … “abay gulangan laang  iyan! Sa sabong ng manok hindi uubra yan! Dahil ang mga sabungero ay mararangal na tao… hindi tulad ng mga pulitiko!!!”