Kahapon lang ay nai-ere kung ano-ano ang mga epekto ng pagpupuyat o hindi pagkuha ng sapat na tulog.Ayon sa National Sleep Foundation or NSF,ang mga adults ay dapat na makakuha ng get 7 to 9 hours ng tulog kada gabi.

At tuwing working holidays o weekends marami sa atin ang nagmumokmok lang sa kwarto at nais matulog buong araw. Sa pag-aakalang sa pamamagitan nito,makakabawi tayo tulog.

Subalit base sa mga eksperto ang oversleeping ay may masamang epekto rin sa ating utak,katawan at kalusugan.
Ayon sa mga eksperto ang oversleeping ay nakakapagdulot ng depression.

Base kasi sa isang pag-aaral noong taong 2014, ang mga taong natutulong ng 9 na oras o higit pa ay mas prone sa depression.Dahil rin ito hindi tayo nakakakuha ng sapat na vitamin D,dahil hindi naman tayo nasisikatan ng araw.

Ayon rin sa ilang sleep specialists,ang patuloy na overslleping ay nagpapatanda sa ating utak na nagreresulta s apagiging makalimutan,nahihirapang magfocus at magconcentrate.

Pinapataas rin nito ang tsansa ng heart attack at diabetes. Pinapatass kasi nito ang sugar levels sa ating dugo dahil wala namang masyadong physical movements sa tuwing tayo ay nanaginip.

Maliban naman riyan,maaari karing maging overweight o obese.Itoa y dahil sa kakulangan pa rin ng physical activity kung saan hindi nasusunog ang iyong mga calories sa katawan.

Base naman sa isang pag-aaral ng mga Korean experts noong 2013 ,ang mga kababaihang madalas mag oversleep ay nahihirapanng mabuntis.Ito ay dahil na rin sa a sedentary lifestyle at hormonal imbalance.

By:Redchel Montes