malunggay edited

Ni: Joy Quijano

Malaki ang pakinabang ng calcium sa katawan, hindi lamang para sa buto ngunit lalo na sa colon. Makakatulong din ito sa pag-iwas sa colorectal cancer. Sa bawat 300 milligrams na karagdagang calcium sa katawan ay walong porsyentong pagbaba ng posibilidad na magkaroon ng kanser. Ayon kay Nana Keum ng International Journal of Cancer, kahit ang dairy products ang pangunahing pinagkukunan ng calcium mayroon itong mataas na lebel ng calories at nakakasamang saturated fats, hormones at casein proteins (mammalian milk, 80% ng gatas ng baka ay casein protein). Sa ginawang pagsusuri ng Boston-based scientists sa pamamagitan ng meta-analyses na nilahukan ng 12,305 katao na may colorectal cancer, nakumpirma na ang karagdagang calcium intake ay nakakatulong laban sa cancer lalo na kung ang pinagkukunan ng calcium ay natural na pagkain gaya ng malunggay.

Ang malunggay ay mayroong 185 milligram na calcium at iba pang trace minerals kagaya ng magnesium, phosporus, potassium at iron. Makukuha rin mula sa malunggay ang 19% ng calcium na kailangan ng katawan bawat araw. Ang Dok Alternatibo Malunggay capsule ay gawa mula mismo sa dahon ng malunggay.