calpolAng mga batang nakainom  ng calpol ay delikadong magkakaroon ng Asthma, ito’y ayon sa pinakahuling pag-aaral na ni-report ng Daily Mail ng United Kingdom.

Napag-alaman na ang mga batang pinapainom ng Calpol, kahit isang beses kada-buwan ay limang beses na may risgo na maka-develop ng Asthma. Samantalang ang mga nakainom nito kahit isang beses sa isang taon ay 70-porsyento na magkakasakit ng Asthma.

Natuklasan sa pag-aaral sa 20,743-kabataan na may mataas na risgo ng asthma ay maiuugnay sa paracetamol—ang pangunahing sangkap ng Calpol. Napag-alaman din na ang mga may edad 13 at 14 na taon ay 40-porsyento na magkakaroon ng asthma kung nakainom sila ng paracetamol sa nakaraang 12-buwan.

Sinabi ng mga akademiko na dahil sa paracetamol, bumababa ang kemikal na gluthathione sa baga at dugo, na mag-reresulta sa pagka-sira ng mga tissue.

Ayon sa tagapagsalita ng Medicines and Healthcare Regulatory Agency, nasa “careful reviewing” na sila ng mga datos at kung aaksyon na kontra sa gamot.

(Mike Milo)