Oscar Cruz, Feliciano Bautista, Ephraim Fajutagana

Hindi lamang pork barrel ang dapat na buwagin kundi maging ang mga corrupt na opesyales na matuturing na “Pig o Baboy”.

Ito ang binigyang diin ni dating Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) C sa harap ng mga panawagan para sa tuluyang pag-abolish sa pork barrel ng mga Senador at Kongresista.

Naniniwala si Arch Bishop Cruz na kahit i-abolish ang Pork Barrel at ilan pang Intellegence Fund ng mga mambabatas ay tiyak na mananatili parin ang korapsyon kung maiiwan naman ang mga tinaguriang “baboy” na mga opesyal ng gobyerno.

Iginiit pa ng leader ng simbahan na kung nais ng mga Pilipino na mailigtas ang Pilipinas mula sa korapsyon ay hindi lamang ang ugat nito ang dapat na bunutin kundi maging ang mga corrupt na politiko upang tuluyan nang maalis ang corruption sa bansa.

(Bernard Miñoza)