faf

 

Atin pong tunghayan ang nakakatuwa at nakakahangang pahayag ni Herminia Matellano, 37-anyos, na nasumpungan ang lunas mula sa sakit sa Cervical Cancer sa pamamagitan ng Dok Alternatibo.

“Bago ako pumunta sa Dok Alternatibo, meron akong tumor. Pagkatapos ng maraming tests, nalaman ko na ako ay may cervical cancer, stage 3B na. Sumailalim ako sa Chemotherapy ng anim na sessions at tinanggal na rin ang aking matres sa pamamagitan ng surgery.

Ngunit pagkatapos ng surgery at Chemotherapy ay hindi ako gumaling. Sinabi sa akin ng doktor na kailangan akong sumailalim uli sa Chemotherapy dahil umabot na sa aking liver o atay ang kanser. Pati sa aking baga ay umabot na ang kanser kaya naging stage 4 na ito. Masyado nang kumplikado ang sakit ko kaya sinabi ng doktor na magpa-chemo ako uli pero alam ko na ang hirap na dinanas ko noong nagpa-chemo ako noong una. Kaya sinabi ko na ayaw ko na, at maghahanap na lang ako ng alternatibong paraan. Sa aking paghahanap ay natagpuan ko ang Dok Alternatibo. Dahil pakiramdam ko wala na akong ibang mapuntahan, ako ay nagpa-healing at doon ko nakilala ang mga bagong kaibigan na nagsabi sa akin na subukan ko ang Dok Alternatibo.

Unang pagdalo ko pa lang sa kanilang seminar ay nakumbinsi nila agad ako. Marahil seguro sa isip  ko ay wala na akong ibang alternatibo. Sumailalin agad ako sa 7 days detoxification program.

Sa ikaapat na araw ng aking 7-day cleansing program ay nakaramdam agad ako ng lunas. Noon ko lang naranasan na makita na lumabas ang lahat ng dumi sa aking katawan! Nakatulog na din po ako ng maayos. Pakiramdam ko ang aking minimithing kagalingan ay nakamtan ko na.

Pagkatapos ng aking 7 days cleansing ay bumalik ako para sa karagdagang treatment na mas naka-focus sa aking nutrisyon. Natapos ko na ang paglilinis sa aking katawan kaya ang susunod ay ang pagbibigay ng tamang nutrisyon naman para tuluyan na akong gumaling.

Sa mga nakakita sa akin noong may sakit pa ako, sila ay nagsabing napakalaki ng aking pinagbago. Kung noon ako ay mahina, ngayon ako ay masiglang-masigla nang nagtitinda ng MIX10 at HAPLUS at iba pang produkto ng Dok Alternatibo sa kanilang livelihood program.

Sa aking palagay,  Kung hindi ko susundin ang mga pinapagawa at di pinapagawa sa akin ng Dok Alternatibo ay babalik ang sakit ko.

Sa lahat, Pilipino man o dayuhan, kung gusto ninyo ng magandang kalusugan at kagalingan, ang Dok Alternatibo ang tamang kompanya na magbibigay gabay tungo sa inyong kagalingan- hindi lang ng ating katawan dahil sila ay nagbibigay din ng hanap-buhay sa pamamagitan ng livelihood program at pati na sa ating pakikitungo hindi lang sa ating kapwa kundi pati na rin sa ating maykapal. Iyon ang mahalaga.

Ako ay nagpapasalamat sa Dok Alternatibo lalo na kay Dok Edgar Delibo dahil siya ay naging instrumento  ng kagalingan ng marami at siya y tinuturing ko na bayani dahil matapang niyang sinuway at binago ang maraming maling kaugalian natin tungkol sa ating katawan at kalusugan. Sinasabi ng marami na ang almusal ang pinakaimportanteng kain natin sa buong araw ngunit ito ay binago  ni Dok Ed. Marami pang pagtuturo ng kumbensyonal na medisina ang binago ni Dok Ed at matapang niyang kinontra ang mga ito kung kaya para sa akin siya ay isang bayani.” 

(Transcribed by Roland Licudine)