Mayaman sa protina ang itlog at masarap din itong kainin subalit marami ang naniniwala na ang pagkain ng itlog ay masama sa kalusugan dahil sa taglay nitong mataas na cholesterol.

Subalit, sa katunayan ang itlog ay maituturing na “super-food” dahil marami itong taglay na nutrients at vitamins na mabuti sa kalusugan. Sa isang pag-aaral, ang itlog ay tumutulong upang mapababa ang lebel ng LDL (low-density lipoprotein) at ang mga taong kumakain ng tatlong itlog sa isang araw o 12-itlog sa isang linggo ay mas mababa ang LDL  kumpara sa taong hindi palakain ng itlog. Kaya kung mababa ang iyong LDL, tiyak na mas maganda ang lebel naman ng iyong HDL (high-density lipoprotein).

Noong 1990s, nakatanggap ng bad publicity ang itlog dahil sa cholesterol content na 210mg per egg yolk ngunit maraming pag-aaral ang nagpakita na walang relasyon ang pagkain ng itlog at coronary heart disease.

Nakakatulong naman sa pag treat ng iron-deficiency ang iron na nasa egg yolk, importante ang role na ginagampanan ng iron sa immunity, energy metabolism at iba pang functions ng katawan.

Sa isang pag-aaral naman tungkol sa mga kumakain ng itlog at hindi kumakain ng itlog, napag-alaman na ang mga hindi kumakain ng itlog ay madalas kulang sa vitamins A,E at B12. Ang itlog ay nagco-contribute sa 10-20% ng folate at 20-30% ng vitamins A, E at B12 sa egg consumers. Ipinapakita ng pag-aaral na ito ang importanteng role na ginagampanan ng pagkain sa pagkakaroon ng sapat na nutrisyon sa katawan.

Ang itlog ay excellent dietary source ng choline at ang isang itlog kada-araw ay nakakapagbigay ng 28% choline requirement para sa mga buntis kung saan ang choline ay nutrient na nagfa-facilitate ng brain development sa fetus at newborn pati na rin ang memory function hanggang old age.

Nakakapagpalinaw naman ng mata ang pagkain ng itlog dahil sa isa itong magandang source ng antioxidants na lutein at zeaxanthine. Pinabababa din nito ang blood pressure ng iyong katawan dahil ang taglay nitong “peptides” ang tumutulong para bumaba ang iyong dugo.

Bukod pa rito ang itlog ay mayroong 50mg (5%) ng calcium. Kaya kung palagi kang kumakain ng itlog maaaring maiwasan ang pagkakaroon ng colon at breast cancer.

Kaugnay nito ang kakulangan sa protina o protein deficiency ay maaaring humantong sa mga seryosong karamdaman na kadalasan ay konektado sa mga kalamnan o muscles. Sa mga bata, ang kakulangan sa protina ay maaaring magdulot ng pagkabansot, pangangayayat, at panghihina ng pangkalahatang kalamnan ng katawan.

Kaya naman upang mapunan ito maaaring mapagkunan ng protein ang mga beans gaya ng sitaw, bataw, patani at munggo, maging ang tokwa, mani at soymilk.

Tandaan na ang pagkain ng itlog ay may kakayahang gawin tayong healthier, brainier, leaner at stronger.