P1, 000 na budget para sa Commission Human Rights, kasalanan umano ni Chairman Gascon

Kontrobersyal ang P1,000 o isang-libong piso na inilaang budget para sa 2018 sa Commission on Human Rights. Pumalag ang CHR dahil hindi umano ito makatarungan lalo pa at kailangan nila ng pondo para sa proteksyon ng mamamayan kontra pang-aabuso. Pero ayon kay Pangulong Duterte, kasalanan din umano ito ni CHR Chairman Jose Luis “Chito” Gascon. Posiblengikinagalit umano ng mga mambabatas na sumang-ayon dito ang matalas na pananalita ni Gascon. Inakusahan din ng Pangulo si Gascon na “dilawan” o kakampi ng dating administrasyon dahil sa pangingialam nito sa imbestigasyon ng PNP may kaugnayan sa war on drugs. Gayunman, tiniyak naman ng Pangulo na pag-aaralan muli ang naging desiyon ng House of Representatives.

Image result for commission on human rights logo