Ibinunyag na rin ng Hall of Famer coach na si Freddie Roach na talagang naging magulo ang corner ni people’s champ Manny Pacquiao sa naging laban noong nakaraang Linggo sa Brisbane, Australia.

Hirap umano si Roach na ipaabot kay Manny ang kanyang mga payo o adjustment habang nagpapatuloy ang laban.

Ginawa ni Roach ang pag-amin, matapos sabihin ni promoter Bob Arum ma magulo ang Team Pacquiao kaya natalo sa laban kay Jeff Horn.

Una nang inamin ni Arum na masyado niyang iniatang ang pag organisa ng boxing event sa World Boxing Council (WBO).

Sakaling magkaroon umano ng rematch at gawin uli sa Australia, dapat magkaroon na ng maraming pagbabago.