Pacman_Baguio_Dennis1

Bilang  paghahanda  sa pagsagupa ni Manny Pacquiao kay Brandon Rios sa Nobyembre 24 sa Macau, nagdala si coach Freddie Roach ng bago niyang sparring partner. Ito ay bahagi ng huling anim na linggo ng pagsasanay sa General Santos City. Ang British junior middle weight na si Liam Vaughan at rising Chinese star Zou Shimming ang siyang magpapabilis at magpapaliksi, kay Pacquiao. “Seryosong training na talaga [ito],” sabi ng dating world champion . “Mas maganda ‘to dahil nagdala pa siya ng mga bago ka-partner natin sa sparring.”

Matatandaan na sinimulan ni Manny ang ensayo sa pakikipagsparring kay middle- weight Marlon Alta at sinundan ng isang Ghanian na si Frederick Lawson.

Samantala hindi naman nakarating si Coach Justin Fortune sa Gensan na siyang kapalit ni Alex Ariza dahil sa problema sa visa papunta rito sa Pilipinas. Positibo naman si Roach na magagawa nilang tama lahat ng preparasyon at ensayo kahit wala si Fortune. “We just work hard and when you work hard great things happen.” Nakitaan ng pagbabalik ng bilis  at  bangis  ng kamao si Manny mula ng ito ay nag ensayo, ayon sa pahayag ng adviser nitong si Michael Koncz.

Ayon naman sa ipinaskil na tweet ng ESPN sa pagsisiwalat ni Coach Freddie Roach ay maaring maging ka sparring ni Manny ang Puerto Rican na si Miguel Cotto. “They’re good friends now, so I’m not sure how hard they’ll go,” Roach dagdag pa niya.