Ayon sa isang Stress management coach ang holistic therapist na si Catherine A. Connor, na ang cuddling o hugging ay nagpapataas ng oxytocin levels sa katawan (bonding hormone) na kung saan tinutulongan nitong mai-reduce ang blood pressure at tumutulong na makaiwas sa heart disease.

Ang cuddling ay isa sa pinakamadaling paraan na makaranas pagpapalagayang kailangan natin sa ating mahal sa buhay. Hindi lamang ito para  sa mga kababaihan maging sa mga kalalakihan. Maraming kamangha-manghang mga benepisyo ang makukuha sa cuddling at ito ay mabuti para sa iyong katawan at isipan.

Kapag nakikipag-cuddle tayo, ang ating katawan ay naglalabas ng dopamine at serotonin, dalawang hormones na nagpapabuti sa ating damdamin at nagpapababa ng feelings of depression. Sa pamamagitan ng cuddling pinapataas nito ang ating sense of well-being at happiness, na nagpapahintulot sa atin na makaramdam ng parehong uri ng kagalakan na nadarama natin sa pagkain ng chocolate.

Dahil sa paglabas ng oxytocin, pinapalakas nito ang iyong immune system dahilan upang di ka agad matablan ng sakit o di naman kaya’y madali nitong nasusugpo ang mga bacteria at viruses sa loob ng iyong katawan.

Dagdag pa nito, dahil sa paglakas ng immune system natutulongan nitong bawasan ang mga sakit o kirot sa iyong katawan.

Kapag nakipag-cuddle ka naman sa iyong partner 10 minuto bago matulog, napipilitang maglabas ang iyong katawan ng oxytocin na kung saan tumutulong upang bawasan o pahupain ang stress at mas madali ka ng makatulog.

Ayon pa sa isang marriage and family therapist sa Chicago na si David Klow, sinabi nito na ang cuddling ay isang paraan ng pagsasabi ng “I know how you feel” kaya naman mas pinapabuti nito ang komunikasyon sa pagitan ng dalawang tao.

Ilan lamang ito sa mga benepisyo na hatid ng cuddling o hugging, kaya ano pang hinihintay mo? I hug mo na ang mga mahal mo sa buhay at panatilihin ang malusog na pamumuhay.

At para sa inyong mga katanungan tungkol sa iniinda ninyong karamdaman, komonsulta na sa eksperto sa natural na kagalingan.

Para sa wastong gabay at tiyak na kagalingan, puntahan lang ang pinakamalapit na Dok Alternatibo Center sa inyong lugar.