Naiuwi ngayon ni Jhonver D. Salucan ang medalyang ginto matapos ang Regional Sports Competition sa Mati City, Davao Oriental. Ang 17 taong gulang na Senior High School student ng Dok Alternatibo Research and Development Foundation Inc. (DARADFI) Prime School ay pasok na sa National level competition, Palarong Pambansa sa larong arnis. Kasalukuyan din siyang kumukuha ng Electronics Servicing NCII sa nasabing paaralan. Ipinagmamalaki rin ng San Miguel, Digos City ang pagkapanalong ito ni Salucan dahil hindi lang parangal ang kanyang naiuwi, nailagay rin niya sa mapa ng mga atletang Pinoy ang probinsya ng Davao del Sur at Rehiyon XI. Ayon naman kay DARADFI Prime School Administrator Clovis Jones Louis Sabornido “Positibo tayo na ang mga estudyante ng Dok Alternatibo ay matagumpay sa bawat larangan na kanilang napili, hindi lang dito sa probinsya dahil maging sa national level ay kaya na nating makipag-tagisan ng talent at galing. Congratulations Jhonvel!”