unnamed

Isa si Dominga De Guia mula sa Balagtas, Bulacan at 54 taong gulang na sumailalim sa Rejuvenation Treatment Program Batch 25. Ayon sa kanya labin-limang taon na siyang may diabetes at may bukol ang loob ng kanyang tiyan. Malaki na rin ang nagastos niya dahil sa maintenance niya sa mga synthetic na gamot. Ayaw niyang subukan ang chemotherapy dahil alam niyang manghihina siya kahit wala naman siyang nararamdaman na sakit. Sa payo ng kanyang kapatid at anak sinubukan niya ang alternatibong paraan.

“Naniniwala at nagdarasal ako talaga sa Diyos na gagaling ako mula sa sakit ko. Wala na akong matres tsaka sabi nila na baka sanhi ng bukol ang pag-opera sa akin noon.”

“Magandang-maganda ang pag-aalaga nila sa amin. Ang babait ng mga staff at buhay-reyna kami dito. Marami Akong natutunan sa Dok Alternatibo Rejuvenation Treatment Program lalo na sa pagkain ng tama. Talagang pati mga kapatid at kaibigan ko sasabihan ko na dito may kagalingan.”

Aprubado naman sa kanya ang pamamaraan ng holistic healing dahil lahat ng aspeto ay tinutugunan. Sa loob ng pitong araw ay mararamdaman na ang kagalingan at kalayaan mula sa mga karamdaman.

“Sulit na sulit talaga kasi pati yung activities ay sakto sa pangangailangan namin. Masarap ang tulog at stress-free talaga ang nagre-rejuvenate kaya para sa mga may sakit diyan, subukan na ninyo ang Rejuvenation Treatment Program ng Dok Alternatibo.”