123

Nagtipon para sa pormal na deklarasyon bilang Filariasis-free ang mga opisyales ng Department of Health (DOH) Caraga Region at ng lalawigan ng Surigao del Sur, nitong nakaraang linggo, sa kabiserang lungsod ng Tandag.

Ang Surigao del Sur ay ang ika-3 na lalawigan sa rehiyon at ang ika-19 sa buong bansa bilang Filariasis Free.

Ito ang pinakahuling lalawigan ng Caraga Region na idineklarang Filaria – Free na lalawigan. Ito ay bilang resulta sa pagtutok sa pagpupunyagi ng DOH sa pakikipagtulungan lokal na pamahalaan na nagsusumikap upang sugpuin ang Filariasis.

Ayon kay DOH Caraga Regional Director Minerva P. Molon, ang pagbibigay ng lunas sa mga lugar ng katutubo ang naging pangunahing tinutukan ng program (NFEP), kung saan, ang nasabing panggagamot ay binibigyan ng ebalwasyon tuwing dalawang taon.

Ang Lymphatic Filariasis o Elepanthiasis (Danlak/Buyong), ay isang impeksiyon ng filarial worm, Wuchereria bancrofti, Brugia malayi o B. timori. Ang mga nasabing parasites ay naililipat sa mga tao sa pamamagitan ng kagat ng isang nahawaang lamok at nabuong uod sa lymphatic vessels, na nagiging sanhi ng malubhang pinsala at pamamaga (lymphoedema). Ang Elepanthiasis ay nailalarawan sa pamamagitan ng pananakit, kakaibang pamamaga ng mga binti at ibang bahagi ng katawan – ay isang paglalarawan sa nasabing sakit.

Ang Filariasis ay isang pangunahing parasitic infection, na kung saan ay patuloy na naging pampublikong problema sa kalusugan sa Pilipinas. Ito ay unang natuklasan sa Pilipinas taong 1907 sa pamamagitan ng mga banyagang manggagawa. Sa pinagsama-samang mga ulat, nagpakita ito ng 9.7 n aprsyento na pagkalat sa bawat 1000 populasyon taong 1998. Ito ay ang pangalawang sanhi ng permanente at pangmatagalang kapansanan. Ang sakit ay kadalasang nakakaapekto sa pinakamahihirap na munisipyo sa bansa kung saan 71 porsiyento ng kasong ito ay namumuhay sa ika 4 hanggang ika 6 na klase ng munisipyo. Taong 1960, 43 sa umiiral na 63 mga lalawigan sa Pilipinas ay ipinakita na apektado sa nasabing sakit, na naging dahilan upang malikha ang National Filariasis Control Program (NFCP) taong 1963.

Ang World Health Assembly taong 1997 ipinahayag ang “Filariasis

Elimination” bilang prayoridad at sinundan ng WHO ang pagtwag sa pandaigdigang pag-alis ng nasabing sakit. Ang simbolo ng pangako ng DOH upang maalis ang sakit, ang stratehiyang pagkontrol ay ginwang pag alis ay maliwanag sa Administrative Order #25-A, series 1998 na ipinamahagi sa mga rehiyon. Kaya, ang National Filariasis Control Program (NFCP) ay pinalitan sa National Filariasis Elimination Program (NFEP).

Magugunitang noong taong 2010, ang dalawang probinsya sa Caraga ay ideneklarang Filaria – Free. Kabilang dito ang mga lalawigan ng Agusan del Sur at Dinagat Island na nasa ika-6 at ika-7, ayon sa pagkakabanggit.

Para sa Surigao del Sur, taong 2012, humigit-kumulang 3,500 mga indibidwal ineksamin at sinubukan sa pamamagitan ng Immunochromatographic Test (ICT) na kung saan ay nagpakita na walang bakas ng mga parasite. Ang mga sample na mula sa parehong populasyon ay ipinadala sa Center for Disease Control (CDC) sa Atlanta, Georgia para sa kumpirmasyon at pagpapatunay.

Aminado si Molon na ang Filariasis ay nanatiling isa sa mga pangunahing sanhi ng kapansanan.

“Kami ay nakipaglaban sa sakit na ito sa loob ng maraming taon at kami ay nagagalak sa pagdeklara ng isa pang lalawigan bilang Filaria – Free. Ito ay isang malaking hakbang patungo sa kakayahan ng MDG para sa Disease Free Zone, na kung saan ang Filariasis ang isa sa pinunteryang sakit. Ito ay isang tunay na pahayag ng tagumpay para sa kalusugan sa pakikipaglaban sa Filariasis. Ito ay nagsisilbing isang hamon para sa natitirang dalawang lalawigan upang tumindi ang kanilang ngangampanya para madeklarang Filariasis-Free sa darating na taong 2015,” ayon sa pinakamataas ng opisyal ng DOH sa rehiyon.