Inalis ng isang doktor sa Kazakhstan ang dose-dosenang buhay na maggot mula sa tainga ng isang batang lalaki matapos itong dalhin sa ospital na may malalang sakit sa tainga o earache.

Makikita sa isang video na gumamit ang doktor ng isang tweezer upang alisin ang mga maggot mula kanal ng tainga ng bata.

Ayon sa deputy director ng Kazakhstan Scientific Researching Veterinarian Institute na si Aida Abdybekova, may naunang naitala na ng mga kaso ng mga insekto kung saan nangingitlog ang mga ito sa loob ng tainga ng tao.

Samantala, noong nakalipas na buwan ibinahagi naman ng isang doktor sa india ang isang video na kinuha ang buhay na gagamba mula sa loob ng tainga ng isang babae.