images (5)

Ni: Fred Solinap

Congratulations! DPWH 12 Regional Office dahil pasok sa Top 7 nationwide rating ang inyong performance of works and completion batay sa ipinalabas na final evaluation report ng Department of Works and Highways (DPWH) central office, ito ang impormasyong pinarating sa atin ni Mr. Teng Garcia.

Sa nakuhang ulat ng Prime Balita Nationwide, kinumpirma ni Engr. Reynaldo Tamayo Sr., DPWH 12 regional director na out of 16 DPWH  regional offices nationwide, pumasok sa Top 7 ang DPWH 12 base na rin sa kanilang ipinakitang performance sa trabaho at good management system.

Yes! Dapat ganyan ang mga ahensiya ng ating gobyerno, may performance, hindi lang puro press release, kundi may magandang resulta sa mga trabaho.

MAY DAPAT PA BANG AASAHAN ANG TAONG BAYAN?

“Hindi kami pinalaki ng aming mga magulang para matukso sa kurapsiyon kundi para mamuhay ng simple.”

Sinabi ito ni Pangulong Aquino sa harap ng Foreign Correspondent Association of the Philippines (FOCAP) sa Manila Hotel noong nakaraang araw nang tanungin tungkol sa pork barrel scam na nagdawit pati sa Office of the President.

Kaugnay sa isyung ito, magugunitang sumadsad ang rating ng ating pangulo dahil diumano’y maraming tao ang naniniwala na damay siya sa scam.

Sabi ng Pangulo, isinasabuhay nilang magkakapatid ang turo sa kanila ng kanilang mga magulang na sina yumaong Pangulong Cory Aquino at dating Sen. Ninoy Aquino Jr. na mabuhay sa simpleng pamumuhay at labanan ang tukso kaya nakakaya niyang labanan ang mga temptation sa kanyang pagiging chief executive ng bansa.

Nilinaw din ng Pangulo na naging sentro ng pagbatikos ang Disbursement Acceleration Program (DAP) at pagkakaloob ng mga bonus sa mga opisyal ng Government Owned and Controlled Corporations (GOCCs) dahil lamang sa ginawang pagsasampa ng plunder cases ng gobyerno laban sa ilang mambabatas at personalidad.

Sa mga statement ni Pangulong Aquino malinaw na pinapatamaan parin ang Media dahil sa “Unfair Criticisms” daw.

Ang tanong: Unfair ba ang Media para iparating sa publiko ang impormasyon na dapat nilang malaman? Dahil ba nagtatanong ang Media “unfair” na kaagd ang tawag diyan? Hay naku! Kaya pala ang bagal ma-approve ang FOI o Freedom of Information dahil baka takot sila dahil masisiwalat ang lahat na kabulokan ng mga opisyal.

Bumoto ang taong bayan kay pangulong Aquino noong nakaraang eleksyon dahil naniniwala ang mga ito sa sinasabing tuwid na daan at mabago ang sistema ng pamamalakad. Pero parang kabaliktaran ang nangyayari sa ngayon. Seguro may mga ibang nabago pero hindi pa ito sapat sa inaasahan ng taong bayan lalong-lalo na yung mga taong bumoto sa kanya.