Karaniwang driver ng mga tricycle ay tanging mga kalalakihan lamang subalit sa lungsod ng Surat sa India,naglunsad sila ng pink Auto Service na kung saan ang driver nito ay mga kababaihan.

Ang maaari lang rin maging pasahero nito ay mga babae lamang sapagkat nais umano nilang masolusyonan ang problema ng karahasan laban sa mga pasaherong babae.

Ang tawag sa sasakyan na kanilang ginagamit ay auto rickshaw, na katumbas ng isang malaking tricycle dito sa ating bansa.

Hangad lang din umano nila ang kaligtasan ng mga kababaihan bukod sa magkakaroon sila ng hanapbuhay sapagkat inaasahan na kikita ng 14 k kada buwan ang mga ito sa pamamasada.